P100K pabuya sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa Gr. 7 student sa Laguna

By Clarize Austria July 09, 2019 - 03:18 AM

Tatanggap ng P100,000 na pabuya ang sinumang makapagbibigay impormasyon sa kinaroronan ng suspek sa pamamaril ng Grade 7 student sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Police Colonel Eleazar Matta, Provincial Director ng Laguna Police, ang perang ipamimigay ay mula kay Laguna Governor Ramil Fernandez.

Kasalukuyan pa ring tinutugis ng pulisya ang suspek na si Renan Estrophe Valderama alyas Renz Ivan na nasa 30-35 anyos at dating security guard.

Lumabas din sa paunang imbestigasyon na mayroong relasyon si Valderama sa biktima na si Mark Anthony Miranda, 15 anyos.

Binaril ng suspek ang binatilyo sa loob ng silid-aralan nito sa Castor Alviar National High School noong July 4.

 

TAGS: Castor Alviar National High School, Grade 7 student, gwardya, kinaroroonan, laguna, Mark Anthony Miranda, pabuya, Renan Estrophe Valderama, tinutugis, Castor Alviar National High School, Grade 7 student, gwardya, kinaroroonan, laguna, Mark Anthony Miranda, pabuya, Renan Estrophe Valderama, tinutugis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.