Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

(Updated) Epektibo na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo kaninang alas-6:00 ng umaga.

Lahat ng kumpanya ay may dagdag na P0.25 sa kada litro sa gasolina habang may bawas na P0.40 sa kada litro ng diesel.

Una nang nagpatupad ng kaparehong rollback sa diesel ang Phoenix Petroleum noong Sabado.

Samantala, ang Flying V, Shell, Seaoil at Petron ay may rollback ding P0.35 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ang price adjustments sa lokal na petrolyo ay repleksyon ng paggalaw sa presyo sa international oil market.

 

Read more...