Cloud seeding operations sa Angat ipagpapatuloy ayon sa NWRB
Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa ibabaw ng Angat Dam upang maitaas ang antas ng tubig dito ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Ayon kay NWRB executive director Sevillo David Jr., magsasagawa pa rin ng cloud seeding ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Bureau of Soil and Water Management dahil nasa 161.01 meters na lang ang tubig sa dam.
Sa datos ng PAGASA hydrology division araw ng Lunes, 161.01 meters ang lebel ng tubig sa Angat o halos isang metro lang na mas mataas sa ‘critical level for domestic use’.
Naniniwala si David na makatutulong pa rin ang cloud seeding upang maitaas ang antas ng tubig sa Angat.
Sa ngayon anya ay nakastandby ang eroplano, mga gamit, staff at sakaling mayroong seadable clouds ay agad na isasagawa ang cloud seeding.
Tumaas nang bahagya ang antas ng tubig sa dam makaraan ang ilang araw na pag-ulan bunsod ng Habagat at localized thunderstorms.
Gayunman, sinabi ni David na mananatili sa 36 cubic per meters per second ang arawang alokasyon para sa mga concessionaires sa Metro Manila para sa buong Hulyo.
Ibabalik lang umano ang normal allocation na 46 cubic meters per second sakaling umakyat sa 180 meters na minimum operating level ang antas ng tubig sa dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.