Rockets target makuha si Westbrook

By Len Montaño July 09, 2019 - 02:36 AM SHARE(S):

Posibleng ma-trade si Russel Westbrook sa Houston Rockets matapos malipat sa ibang koponan ang teammate nito sa Oklahoma City Thunder na si Paul George.

Interesado ang Rockets na makipag-deal kay Westbrook kahit mahirap ito dahil sa pagnanais din ng iba pang teams.

Bukod sa Rockets, umaasa rin ang Miami at Detroit na magkaroon ng kasunduan sa 30 anyos na player.

Ang posibilidad ay sa gitna ng hakbang ng team ni Westbrook na Thunder na magpalakas matapos ma-trade si George sa Los Angeles Clippers.

Sa ngayon ay mayroon pa si Westbrook na $171 million na kontrata sa loob ng apat na taon.

Si Westbrook ang NBA 2017 Most Valuable Player na may average full-season triple double 31.6 points, 10.7 rebounds at 10.4 assists.

 

TAGS: deal, Houston Rockets, kontrata, NBA 2017 Most Valuable Player, Oklahoma City Thunder, Russel Westbrook, trade, deal, Houston Rockets, kontrata, NBA 2017 Most Valuable Player, Oklahoma City Thunder, Russel Westbrook, trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.