Duterte iginiit na seryoso ang Recto Bank incident; pangingisda ng China hindi ilegal

By Chona Yu July 09, 2019 - 02:21 AM

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso ang nangyaring insidente sa Recto Bank kung saan inabandona ng Chinese crew ang 22 mangingisdang Pilipino sa gitna ng karagatan.

Pero ayon sa Pangulo, bagamat seryoso ang naturang insidente ay maituturing pa rin itong simpleng maritime incident dahil wala namang namatay.

Iginiit ng Pangulo na hindi na dapat palakihin pa ang isyu para magdulot ng international crisis.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na maghintay na lamang ang mga kritiko sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa July 22 dahil sesermunan niya ang mga ito na hindi labag sa Konstitusyon ang pagpayag niya na makapangisda sa Recto Bank ang China.

TAGS: China, Mangingisda, maritime incident, Recto Bank, Rodrigo Duterte, seryoso, SONA, unconstitutional, China, Mangingisda, maritime incident, Recto Bank, Rodrigo Duterte, seryoso, SONA, unconstitutional

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.