9 pulis Maynila sinibak dahil sa pangongotong sa mga illegal vendors

By Len Montaño July 09, 2019 - 01:53 AM

Sinibak sa pwesto ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang 9 na opisyal ng Manila Police Precinct 11 dahil sa umanoy pangongolekta ng pera mula sa mga illegal vendors sa Binondo.

Ayon kay Domagoso, ang mga police officers ay konektado sa “organizers” na naniningil ng bayad sa mga iligal na nagtitinda.

Nabatid pa ng Alkalde na may ilang pulis na nakipag-sabwatan sa ilang opisyal ng barangay sa kanilang pangongotong.

“It seems at certain times of the day, pagtalikod ko, may mga ilang individual uniformed personnel engaging, interacting (with) so called ‘organizers’ and barangay officials. Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang colonel? Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang major?” ani Mayor Isko.

Ayon sa Manila Public Information Office, ang mga sinibak na opisyal ng pulisya ay sina Lt. Col. Antonietto Eric Mendoza, Maj. Robinson Maranion, Maj. Alden Panganiban, Cpt. Jerry Garces, Cpt. Bernardino Venturina, Cpt. Manuel Calleja, Lt. Jerry Campo, Lt. Maricel Pili, at Lt. Maribel Casayuran.

Credit: Manila Public Information Office

Sa press conference araw ng Lunes ay iprinisinta naman ni Domagoso sina Lt. Col. Noel Calderon Aliño, Major Salvador Bagne Tangdol, at Captain Manolito Vedana Flores na mga bagong opisyal sa Manila Precinct 11 kapalit ng mga sinibak na pulis.

 

TAGS: barangay officials, Extortion, illegal vendors, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Manila Precinct 11, organizers, pangongotong, pulis-Maynila, sibak sa pwesto, barangay officials, Extortion, illegal vendors, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Manila Precinct 11, organizers, pangongotong, pulis-Maynila, sibak sa pwesto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.