4 na bahay at 1 apartment natupok sa sunog sa Cavite City

By Len Montaño July 09, 2019 - 01:01 AM

Phil. Red Cross photo

Natupok ang apat na bahay at isang apartment sa sunog sa Barangay San Roque sa Cavite City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula alas 8:50 ng gabi.

Nahirapan ang mga bumbero apulahin ang sunog dahil walang supply ng tubig sa lugar bunsod ng water interruption.

Sa mga larawan ng Philippine Red Cross, makikita ang pagtulong ng kanilang mga tauhan sa mga residente.

Ayon sa Red Cross, may isa silang dinala sa ospital dahil nahirapang huminga.

Dakong 11:36 ng gabi ng magdeklara ng fire out ang BFP.

Iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy at ang halaga ng natupok na ari-arian.

TAGS: apartment, bahay, Barangay San Roque, BFP, Cavite City, nahirapang huminga, Philippine red Cross, sunog, water interruption, apartment, bahay, Barangay San Roque, BFP, Cavite City, nahirapang huminga, Philippine red Cross, sunog, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.