Duterte sa US: ‘I-deploy ang 7th fleet sa South China Sea’

Kung nais umanong mapaalis ang China sa South China Sea, sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na i-deploy nito ang 7th fleet sa naturang teritryo.

Pahayag ito ng Pangulo sa gitna ng militarisasyon ng China maski sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“Kung gusto talaga ng Amerika na paalisin ‘yung China, hindi ko man kaya, maghingi ako ng tulong sa kanya. I want the whole fleet of the Seventh Fleet of the Armed Forces of the United States there,” ani Duterte.

Ang Seventh Fleet ay ang pwersa ng US na naka-base sa Japan na ang area of responsibility ay sajop ang Western Pacific at Indian Oceans.

Pero sa gitna ng panayam ng media ay nagbiro na ang Pangulo.

Ayon kay Duterte, susunod lamang siya kapag nauna ang Amerika.

Iimbitahan pa umano ng Pangulo sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

“Magpasok sila sa China Sea, magpasok ako. I will ride doon sa Amerikano na mauna doon. I will invite Carpio, Del Rosario,Morales to ride with me. Then sabihin ko sa Amerikano, ‘Sige, pasabugin na natin lahat,” dagdag ng Pangulo.

Ang bagong pahayag ng Presidente ay paggiit sa una nitong pahayag na mahirap kalabanin ang China.

“What would really result if I go there and insist on driving them out? You would think China would allow itself to be bullied? Papayag kaya ang China?”

Una nang hinamon ng Pangulo ang US na magdeklara ng giyera laban sa China at susunod na lamang siya.

 

Read more...