Pulis nanapak ng 8 anyos na bata sa Pasig

By Len Montaño July 08, 2019 - 11:59 PM

Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang pulis matapos nitong sapakin ang isang 8 anyos na batang lalaki na nanonood ng basketball game sa isang gym sa Pasig City.

Base sa CCTV, lumapit sa basketball court sa Barangay Bambang si Police Staff Sergeant Nicholas Lape, nakatalaga sa Marikina-PNP, habang may naglalaro ng basketball.

Una nitong nilapitan ang referee na hindi siya pinansin pagkatapos ay nilapitan nito ang bata at pinalo sa ulo.

Hindi nakuntento, hinila pa ni Lape ang bata at muling pinalo gamit ang kanyang t-shirt.

Kita rin sa video na tinulak ng pulis ang bata.

Sa puntong ito ay umawat ang mga opisyal ng barangay at pinaalis si Lape.

Ayon sa tiyahin ng bata na si Sheila Flores, lasing ang pulis nang makaharap nila sa barangay.

Matapos magpatulong sa pulisya, tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar na mapaparusahan ang pulis.

Irerekomenda ni Eleazar na sumailalim si Lape sa values formation.

 

TAGS: basketball, bata, lasing, nanapak, NCRPO chief Guillermo Eleazar, pasig, pinalo, Police Staff Sergeant Nicholas Lape, Pulis, tinulak, values formation, basketball, bata, lasing, nanapak, NCRPO chief Guillermo Eleazar, pasig, pinalo, Police Staff Sergeant Nicholas Lape, Pulis, tinulak, values formation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.