Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Cayetano na nasi niyang maging “Congress for the people” ang Mababang Kapulungan.
Tiniyak ni Cayetano na mangingibabaw ang good governance sa Kamara.
Gaya anya ni Pangulong Duterte, pwede ring magkaroon ng political will sa Kongreso laban sa korapsyon at maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kalaban sa pagka-Speaker kabilang sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na base sa pahayag ng Pangulo ay kabahagi ni Cayetano sa termino, at si Leyte Rep. Martin Romualdez na magiging House Majority Leader.
Hinimok din ni Cayetano ang mga kapwa Kongresista na umanib sa anyay DDSM o die-hard Duterte super majority.
Umaasa rin ang Kongresista ng magandang relasyon ng Kamara sa Senado, Hudikatura at Ehekutibo.