20 katao nasagip sa lumubog na motorbanca sa Cebu

By Clarize Austria July 08, 2019 - 09:47 PM

File photo

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 katao mula sa tumaob na motorbanca sa Thresher Shark Cove sa Cebu City araw ng Lunes.

Ayon sa ulat ng PCG, nakabalik na sa Malapascua Island ang 17 divers at tatlong crew na sakay ng tumaob na bangka.

Labing-anim sa mga ito ay mga turista kabilang ang limang Amerikano, tatlong German nationals at dalawang Español.

Kasama rin sa mga nasagip na dayuhan ang isang Israeli, Italyano, Canadian, Australian, habang may apat na Pilipino.

Lumabas imbestigasyon na tinamaan ng malakas na hangin ang nasabing bangka dahilan para ito ay tumaob.

 

TAGS: banka, cebu, malakas na hangin, nailigtas, nasagip, philippine coast guard, Thresher Shark Cove, tumaob, banka, cebu, malakas na hangin, nailigtas, nasagip, philippine coast guard, Thresher Shark Cove, tumaob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.