Duterte nagtala ng new record-high satisfaction rating ayon sa SWS
Umaabot sa 80 percent ng mga Pinoy adult ang “satisfied” sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa 2019 second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ito na ang maituturing na new record-high satisfaction rating ng pangulo.
Sa nasabi ring survey ay 12 percent ang nagsabing sila ay “dissatisfied” sa performance ni Duterte samantalang 9 percent naman ang undecided.
Ito ay nangangahulugan ng satisfaction rating na +68 o “very good” ayon pa sa SWS.
Nalampasan ng bagong record ng pangulo ang kanyang personal record-high na +66 na naitala noong March, 2019 noong June, 2017.
Ipinaliwanag ng SWS na ang net satisfaction rating ni Duterte ay nananatiling “very good” para sa Luzon (+65), Visayas (+66), Metro Manila (+59) samantalang napanatili niya ang “excellent” sa Mindanao (+81).
“The president’s net satisfaction rating also remained very good in both urban and rural areas”, ayon pa sa SWS.
Samantala, ang net satisfaction rating ng pangulo ay bumaba ng 11 points mula sa record-high +69 noong March 2019 sa +58 nitong June 2019 para sa Classes ABC.
Napanatili naman ni Duterte ang record-high +68 o “very good” rating para sa Class D.
Naitala rin ng pangulo ang new record-high para Class E mula sa +58 rating noong March 2019 tungo sa +68 nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.
Ang nationwide “The June 2019 Social Weather Survey” ay ginawa mula June 22-26, 2019 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 years old pataas).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.