Amnesty International: Bulacan ang “bloodiest killing field”

By Angellic Jordan July 08, 2019 - 05:37 PM

INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Hinikayat ng Amnesty International ang Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga law enforcement official dahil sa posibleng paglabag sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ito ang inirekomenda ng international human rights group kasunod ng lumabas na resulta sa kanilang report.

Sinabi ng grupo na makatutulong ang imbestigasyon para matiyak na walang lumalabag na otoridad sa war on drugs ng adminitrasyong Duterte.

Sa kanilang April 2019 report, nag-imbestiga ang grupo sa 20 insidente at kasama dito ang pakikipanayam sa 58 katao kabilang ang mga saksi, pamilya ng mga biktima at ilang lokal na opisyal.

Lumabas sa eksaminasyon ng London-based group na naitala ang pinakamaraming bilang ng drug-related killings sa Bulacan.

Dahil dito, tinawag ng grupo ang Bulacan bilang ‘bloodiest killing field’ sa bansa.

Nakasaad din sa report na patuloy pa rin ang umano’y unlawful killings sa bansa simula 2016.

Kasunod nito, hinikayat din ng Amnesty International ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) na aprubahan ang resolusyon na humihiling na imbestigahan ang war on drugs ng pamahalaan ng Pilipinas.

TAGS: amnesty international, Bulacan, United Nations, War on drugs, amnesty international, Bulacan, United Nations, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.