Hepe at mga opisyal ng Binondo/Divisoria Police Station sibak sa pwesto

Inquirer file photo

Tanggal sa pwesto ang hepe ng Manila Police District Station 11 na si Police Lieutenant Colonel Antonietto Mendoza at walo nitong tauhan dahil sa kapabayaan sa kaayusan sa Divisoria

Ilan pa sa mga inalis ay ang mga tauhan na sina P/Maj. Robinson Maranion, P/Maj. Alden Lee Panganiban, P/Capt. Jerry Garces, P/Capt. Bernardino Venturina at P/Capt. Manuel Calleja.

Kasama rin sa mga ito sina P/Lt. Jerry Campo, P/Lt. Maricel Pili, at P/Lt. Maribel Casayuran.

Sinibak ni MDP District Direct Police Brigadier General Vicente Danao ang mga naturang pulis base sa rekomendasyon ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa pagpapabaya ng mga ito sa Divisoria.

Papalit naman bilang hepe ng naturant istasyon si Police Lieutenant Colonel Noel Aliño.

Si P/Maj. Salvador Tangdol ang magiging Police Community Precinct commander para sa San Nicolas habang si P/Capt. Manolito Flores ang sa Juan Luna.

Read more...