Mga kasali sa speakership race todo ang panliligaw sa suporta ni Duterte
Nagpasaklolo na kay Pangulong Rodrigo Duterte sina Congressmen Alan Peter Cayetano, Lord Allan Velasco at Martin Romualdez para sa pagpili ng susunod na speaker sa Kamara.
Sina Cayetano, Velasco at Romualdez ang matunog na kandidato sa pagka-speaker at nagkaroon ng pagpupulong noong weekend sa Davao City kasama ang mga anak ni Pangulong Duterte na sina Davao City Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na base sa kanyang pakikipag ugnayan kay Romualdez, kung hindi man aniya tutulong si Pangulong Duterte sa naturang problema muling magpupulong ang tatlo bago ang State of the Nation Address ng punong ehekutibo sa July 22.
Ayon kay Panelo, hindi naman ipinaliwanag ng tatlong kung bakit hindi kasama sa pagpupulong si Congressman Isidro Ungab na una nang inindorso ng hugpong ng pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.