Opisyal na paglipat sa Brooklyn Nets inanunsyo ni Kevin Durant

By Angellic Jordan July 08, 2019 - 04:15 PM SHARE(S):

Opisyal na ang paglipat ni forward player Kevin Durant sa Brooklyn Nets.

Inanunsiyo ito ng manlalaro sa pamamagitan ng pag-post ng larawan sa Instagram kung saan makikita ang bagong Nets jersey na may number 7 sa isang locker room.

Ito ang unang pagkakataon na nabago ang numero ni Durant dahil noong labing-anim na taong gulang pa lamang ito, number 35 na ang ginagamit na numero ng manlalaro.

Ayon naman kay Sean Marks, general manager ng Nets, malaking tulong ang pagkakadagdag ni Durant sa koponan para mapagbuti ang lakas at kakayahan ng Nets.

Nagkakahalaga ng $141 Million ang apat na taong kontrata ni Durant sa Nets.

Huling naglaro si Durant sa Golden State Warriors kasama sina Stephen Curry at Klay Thompson.

TAGS: Brooklyn Nets, Kevin Durant, warriors, Brooklyn Nets, Kevin Durant, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.