Pagpasok ng East Timor sa Asean suportado ng Pilipinas

By Clarize Austria July 08, 2019 - 03:42 PM

Inquirer file photo

Nagbigay ng suporta ang Pilipinas sa bansang Timor Leste sa pormal nitong pagsanib sa Association of South East Asian Countries o Asean.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinusuportahan ng Pilipinas ang aplikasyon ng Timor Leste upang maging miyembro ng nasabing samahan.

Ito ay matapos manghingi ng suporta ni Timor Leste Prime Minister Dr. Dionisio Da Costa Babo Soares sa Pilipinas para sa pag-anib sa Asean.

Sa apat na araw na pagbisita ni Babo Soares, nag-usap rin ang mga naturang opisyal sa relasyon ng dalawang bansa na nagsimula noong 2002.

Ang Timor Leste ay kasalukuyang may observer status sa Asean at nagsumite ng pormal na full membership application sa samahan noong 2011.

TAGS: Asean, DFA, locsin, Timor Leste Prime Minister Dr. Dionisio Da Costa Babo Soares, Asean, DFA, locsin, Timor Leste Prime Minister Dr. Dionisio Da Costa Babo Soares

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.