TNVS drivers sabay-sabay na pina-ingay ang kanilang mga sasakyan sa QC Circle
Sabay-sabay na pina-ingay ng mga driver ng transport network vehicles service o TNVS ang kanilang busina bilang hudyat ng kanilang kilos protesta kaninang umaga.
Alas sais pa lamang ng umaga ay nagtipon-tipon na ang mga TNVS driver sa Quezon City Memorial Circle para sa transport holiday.
Ito ay bilang protesta sa mga patakaran ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board o LTFRB.
Kabilang sa kanilang tinututulan ay ang mabagal na proseso para makakuha ng provisional authority at certificate of public convenience.
Bukod dito, tinutulan din nila ang hindi pagpayag sa mga “hatchback units” para maging TNVS na paglabag anila sa mismong polisiya ng board.
Itinakda naman ang dayalogo sa pagitan ng mga TNVS driver at LTFRB sa Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.