Ito ay makaraang itaas ang lightning red alert alas 12:27 ng tanghali ng Lunes, July 8.
Nakaranas kasi ng malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Pasay City.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) layunin ng hakbang na maiwasan ang anumang untoward kapag malakas ang kidlat sa bahagi ng NAIA.
Maari kasi itong magdulot ng pelugro sa kanilang ground personnel.
Ayon sa MIAA ang mahabang pag-iral ng lightning red alert ang mga byahe ng eroplano at maari itong magdulot ng delay sa cause flight operations.
Pagsapit naman ng alas 12:54 ng tanghali ay binawi na ang lightning red alert sa NAIA.
Humingi naman ng pang-unawa sa mga pasahero ang MIAA.