Lightning red alert itinaas sa NAIA, ramp movement sinuspinde

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2019 - 01:07 PM

Ilang minutong sinuspinde ang ramp movement para sa aircraft at ground personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Ito ay makaraang itaas ang lightning red alert alas 12:27 ng tanghali ng Lunes, July 8.

Nakaranas kasi ng malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Pasay City.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) layunin ng hakbang na maiwasan ang anumang untoward kapag malakas ang kidlat sa bahagi ng NAIA.

Maari kasi itong magdulot ng pelugro sa kanilang ground personnel.

Ayon sa MIAA ang mahabang pag-iral ng lightning red alert ang mga byahe ng eroplano at maari itong magdulot ng delay sa cause flight operations.

Pagsapit naman ng alas 12:54 ng tanghali ay binawi na ang lightning red alert sa NAIA.

Humingi naman ng pang-unawa sa mga pasahero ang MIAA.

TAGS: Lightning red alert itinaas sa NAIA, MIAA, NAIA, ramp movement sinuspinde, Lightning red alert itinaas sa NAIA, MIAA, NAIA, ramp movement sinuspinde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.