Senator Grace Poe kinuwestyon ang pagbago ng regulasyon sa TNVS
Hinihingi ni Senator Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglilinaw sa naunang direktiba kaugnay sa ‘hatchbacks vehicle’ na ginagamit sa transport network vehicle service o TNVs.
Sinabi ni Poe na noong February 2018 inilabas ng LTFRB ang Memorandum Circular 005 na nagsasabing papayagan ang hatchbacks na makapag-operate pa ng tatlong taon para mabawi na ng may ari o operator ang kanilang puhunan.
Ayon sa senadora nais niyang malaman ang dahilan ng pagbabago ng isip ng ahensya at nilabag nito ang sariling kautusan.
Dagdag nito dapat ay maging consistent ang LTFRB dahil hindi naman ito makatarungan para sa mga namuhunan at apektado ang mga pasahero.
Aniya inirerespeto naman niya ang mandato ng LTFRB ngunit kailangan din naman maging madali na ang proseso alinsunod na rin sa Ease of Doing Business Act.
Umaasa na lang si Poe na may magandang maibubunga ang magiging diyalogo sa pagitan ng LTFRB at TNVS kasunod na rin ng ikinasang transport holiday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.