Iceland, walang morale ascendancy para paimbestigahan sa UNHRC ang war on drugs ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 08, 2019 - 12:28 PM

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa hirit ng Iceland sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential communications operations office secretary Martin Andanar, walang moral ascendancy ang Iceland dahil wala namang embahada ang Pilipinas sa naturang bansa na maaari nitong maging representasyon at mula doon ay makakalap ng impormasyon hinggil sa alegasyon.

Bwelta pa ni Andanar, paano masusuportahan ng Iceland ang ipinupursige nitong imbestigasyon gayung sila mismo ay wala namang ginawang hakbang para magkaroon ng tanggapan sa Pilipinas at malaman ang tunay na sitwasyon dito.

Iginiit pa ni Andanar na hindi patas ang ginagawa ng Iceland dahil malinaw na gumagana naman ang legal institution at human rights sa bansa na sa katunayan ay tumaas pa nga ang pondo.

Sa Biyernes (July 12) madedesisyunan ang isinumiteng draft ng Iceland sa UNHR Council at ayon kay Andanar base sa mga ulat na kanilang natatanggap, marami sa 47 member ng body ang hindi sumusuporta sa draft proposal.

TAGS: Iceland, UNHRC, walang morale ascendancy, war on drugs ni Pangulong Duterte, Iceland, UNHRC, walang morale ascendancy, war on drugs ni Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.