Imbestigasyon ng PNP sa pananambang kay Dinagat board member Wenefredo Olofernes pinamamadali ng Malakanyang

By Chona Yu July 08, 2019 - 12:15 PM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pananambang kay Dinagat Islands board member Wenefredo Olofernes.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Nograles, dapat na madaliin ng Philippine National Police (PNP) ang ginagawang imbestigasyon lalo’t may binuo nang task force.

Tinambangan si Olofernes habang sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang asawa sa Surigao City, Linggo (July 7).

Ayon kay Nograles, nag-alok na ang PNP ng P100,000 pisong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek.

Tiniyak naman ni Nograles na isang isolated case lamang ang pagpatay sa board member.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko dahil unti-unti nang gumaganda ang peace and security sa Mindanao region.

TAGS: 100000 pabuya, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Dinagat board member Wenefredo Olofernes, Imbestigasyon ng PNP, Pananambang, 100000 pabuya, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Dinagat board member Wenefredo Olofernes, Imbestigasyon ng PNP, Pananambang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.