Batikang direktor Joyce Bernal nag inspeksyon sa Kamara para sa SONA
Dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nagsagawa ng inspection sa plenaryo ng Kamara ang batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal.
Inusisa ni Bernal ang mga ilaw, ilalagay na bulaklak at watawat ng bansa na nasa likod ng podium kung saan tatayo ang Pangulong Duterte.
Ayon kay Direk Bernal, nais niya na maging kakaiba ang SONA ngayong taon.
Sinabi nito na gusto niyang maging maliwanag o lively ang mood, at hopeful o puno ng pag-asa ang magiging SONA ni Pangulong Duterte.
Tinaya nito na nasa 20 camera ang gagamitin pero hindi daw niya masabi kung ano-anong magiging shots dahil hindi niya naman pwedeng utusan ang Presidente sa magiging galaw nito.
Gusto rin ni Bernal na magkaroon ng “native touch” sa podium sa pamamagitan ng disenyong weave mula sa Mindanao o Mt. Province para mai-showcase anya ang pagiging Pilipino.
Pro bono ang serbisyo ni Bernal sa SONA na gusto daw talaga niyang gawin dahil para sa kanya ay napakaliit na bagay nito para sa Pangulo, sa bayan at sa mga Pilipino.
Bago ang talumpati ni Pangulong Duterte sa hapon ng July 22, magbubukas muna ang First Regular Session ng 18th Congress kung saan ihahalal ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang bagong House Speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.