Provincial board member ng Dinagat Island patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

By Jimmy Tamayo July 08, 2019 - 10:49 AM

Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem ang miyembro ng Provincial Board ng Dinagat Island Linggo ng umaga (July 7).

Kinilala ang nasawi na si Provincial Board Member Wenefredo R. Olofernes, 52 anyos na sakay ng kanyang motorsiklo

kasama ang hindi kinilalang babae nang barilin ng mga suspek na naka-motorsiklo.

Dinala pa sa Caraga Regional Hospital si Olofernes pero idineklara itong dead on arrival.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Surigao City Police para matukoy ang suspek at alamin ang

motibo sa pamamaslang.

Naglaan na rin ng P50,000 na pabuya ang Police Regional Office-13 sa sinumang makapagtuturo sa suspek.

Si Olofernes ay nasa ikalawang termino bilang board member ng lalawigan.

 

TAGS: pamamaril ng riding-in-tandem, Provincial board member ng Dinagat Island, Provincial Board Member Wenefredo R. Olofernes., pamamaril ng riding-in-tandem, Provincial board member ng Dinagat Island, Provincial Board Member Wenefredo R. Olofernes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.