Mga pro at anti-Duterte group pupulungin ng NCRPO para sa seguridad sa SONA

By Jimmy Tamayo July 08, 2019 - 10:30 AM

Pupulungin ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang iba’t ibang grupo na nagbabalak magdaos ng mga pagkilos kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Sinabi ni NCRPO director, Major General Guillermo Eleazar, kakausapin nila ang mga pro at anti-Duterte groups para masiguro ang seguridad sa nasabing araw.

Iginiit ni Eleazar na hindi naman nila pipigilan ang pagdaraos ng mga pagkilos pero nais nilang makatiyak na magiging mapayapa ito at hindi pagmumulan ng anumang gulo.

Gaya aniya ng nakagawian, magpapatupad ng maximum tolerance ang pulisya para na rin sa ikabubuti ng lahat.

Tiniyak pa ng NCRPO Chief na hindi magbibitbit ng armas ang mga pulis at hindi magdadala ng “shields and truncheons” bilang pagpapakita ng “goodwill.”

Wala ring ilalagay na container vans at mga barbed wires na kadalasang ginagawa sa Batasan Road at Commonwealth Avenue kapag mayroong SONA ang Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde na may 9,000 pulis ang ipakakalat sa paligid ng Batasan para sa seguridad ng SONA.

TAGS: July 22, Mga pro at anti-Duterte group, NCRPO, Rodrigo Duterte, SONA, July 22, Mga pro at anti-Duterte group, NCRPO, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.