NBI naghain na kasong estafa laban sa mga opisyal ng KAPA-Community Ministry
Kinasuhan na ng NBI-NCR ng 8-counts ng syndicated estafa si Pastor Joel Apolinario, Presidente ng KAPA-Ministry at sa iba pang mga opisyal ng nabaggit na sekta.
Bukod sa NBI, Tatlo pang pribadong indibidwal ang tumatayong Complainant sa kaso laban sa KAPA matapos silang nakapagbigay ng mahigit sa kalahating milyong piso bilang blessings.
Ipinagharap din ng NBI ang mga KAPA officials ng 5-counts ng reklamong paglabag sa section 8 at 26 ng Securities and Regulation Code o SRC.
Bukod kay Pastor Apolinario, respondents din sa kaso ang misis nito na si Reyna Apolinario na nagsisilbing Corporate Secretary ng KAPA at ang 12 iba pang opisyal nito at iba pang indibidwal.
Nauna nang naghain ang SEC ng reklamong paglabag sa Securities Regulation Code noong June 18 laban sa KAPA-Community Ministry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.