Truck inararo ang mga puno sa C5, 2 sugatan

Sugatan ang isang driver at pahinante nito matapos araruhin ng sinasakyan nilang truck ang mga puno sa center island ng C5 sa Pasig City.

Nangyari ang aksidente malapit sa Julia Vargas, Lunes (July 8 ) ng umaga.

Ayon sa driver ng truck na si Vicente Mata, nawalan ng preno ang minamaneho niyang 10-wheeler kaya sumalpok ito sa center island.

Wala namang ibang sasakyan na nadamay sa aksidente.

Gayunman, nagdulot ito ng traffic sa lugar.

Read more...