Ayon kay NCRPO director Major General Guillermo Eleazar, ini-utos niya ang pag-relieve kay Senior M/Sgt. Arnulfo Ardales ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa nasabing lungsod habang iniimbestigahan ang insidente.
Sinabi ni Eleazar na inilipat muna si Ardales sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng Eastern Police District (EPD).
Si Ardales ay inireklamo ng 21-anyos na call center agent na si Aaron Estrada na naka-away nito sa loob ng isang restaurant sa Barangay Ermitano, San Juan City bandang alas-11:00 ng gabi noong sabado (July 6).
Inakusahan naman ni Ardales si Estrada ng kawalan ng respeto sa isang pulis kaugnay ng insidente.