Pulis sa viral video na nakikipag-away sa kostumer ng isang restaurant sa San Juan, ni-relieve na ng NCRPO

By Jimmy Tamayo July 08, 2019 - 08:36 AM

Sinibak na sa pwesto ang pulis sa viral video habang nakikipag-away sa kostumer ng isang restaurant sa San Juan City.

Ayon kay NCRPO director Major General Guillermo Eleazar, ini-utos niya ang pag-relieve kay Senior M/Sgt. Arnulfo Ardales ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa nasabing lungsod habang iniimbestigahan ang insidente.

Sinabi ni Eleazar na inilipat muna si Ardales sa District Headquarters Support Unit (DHSU) ng Eastern Police District (EPD).

Si Ardales ay inireklamo ng 21-anyos na call center agent na si Aaron Estrada na naka-away nito sa loob ng isang restaurant sa Barangay Ermitano, San Juan City bandang alas-11:00 ng gabi noong sabado (July 6).

Inakusahan naman ni Ardales si Estrada ng kawalan ng respeto sa isang pulis kaugnay ng insidente.

TAGS: nakikipag-away sa kostumer ng isang restaurant, nirelieve sa pwesto, Pulis sa viral video, san Juan, nakikipag-away sa kostumer ng isang restaurant, nirelieve sa pwesto, Pulis sa viral video, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.