53 sachet ng hinihinalang shabu nakumpiska sa drug suspect sa Taguig
Naaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng mga ipinagbabawal na gamot sa New Lower Bicutan, Taguig, gabi ng Linggo (July 7).
Sa pamamagitan ng search warrant, pinasok at hinalughog ng mga otoridad ang bahay ni alyas Don, 22, aplikante ng Philippine Marines at isa ring tindero ng pagkaing pastil.
Nakumpiska sa suspek ang 53 sachet ng hinihinalang shabu, 3 sachet ng hinihinalang marijuana at mga drug paraphernalia.
Wala namang nakaraang record na krimen ang arestadong suspek ngunit ayon sa mga otoridad, isinumbong ito sa kanila ng isang concerned citizen noong nakaraang linggo.
Agad nagsagawa ng test buy ang mga otoridad sa suspek na nagpositibo kaya nakakuha sila ng search warrant.
Itinanggi naman ng suspek na kaniya ang mga nakuhang drugs, itinanggi rin nito na gumamit at nagbebenta siya.
Matagal na umanong pangarap ng suspek na makapagsundalo pero dahil sa kahaharapin niyang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay mahihirapan na ito.
Samantala, pinaghahanap naman ng mga pulis ang kasamahan ni Don na wala sa bahay noong ipatupad ang search warrant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.