Disney star na si Cameron Boyce nasawi sa edad na 20

Pumanaw na si Cameron Boyce, ng Disney Channel sa edad na 20.

Ayon kay Disney CEO Robert Iger, pumanaw si Boyce bunsod ng hindi tinukoy na sakit.

Hindi na umano ito nagising mula sa pagkakatulog ayon sa kaniyang pamilya.

Nakilala si Boyce sa kaniyang starring role sa Disney series na “Descendants”, comedy series na “Jessie” at sa Disney XD series na “Gamer’s Guide to Pretty Much Everything”.

Naging bahagi din siya ng mga pelikulang “Mirrors”, “Eagle Eye”, “Grown Ups” at “Grown Ups 2”.

Nakiramay naman ang Walt Disney Company sa pamilya ni Boyce.

Read more...