WATCH: Unang official trailer ng live-action ng Mulan inilabas na ng Disney

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2019 - 07:05 AM

Inilabas na ng Disney ang unang trailer para sa live-action remake ng 1998 animated classic na “Mulan”.

Bida sa nasabing pelikula bilang “Mulan” si Yifei Liu, habang si Jet Li naman ang gumanap na Emperor at si Donnie Yen si Commander Tung.

Dahil sa utos ng Emperor ng China na isang lalaki sa bawat pamilya ang magsisilbi sa Imperial Army para idepensa ang bansa laban sa mga Northern invaders, si Mulan na panganay na anak ng isang honored warrior ang pumalit sa pwesto ng kaniyang ama dahil nagkasakit ito.

Nagdamit siya ng lalaki at nagsanay para maging Imperial Army.

Ipalalabas ang “Mulan” sa March 2020.

TAGS: "Mulan" sa March 2020, "Mulan" si Yifei Liu, 1998 animated classic na "Mulan", live-action remake, "Mulan" sa March 2020, "Mulan" si Yifei Liu, 1998 animated classic na "Mulan", live-action remake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.