Extreme Northern Luzon apektado ng mahinang Habagat

Mahinang Habagat lamang ang umiiral sa bansa at apektado nito ang extreme northern Luzon.

Dahil dito ayon sa PAGASA, maaliwalas na panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon mainit at maalinsangan ang magiging panahon ngayong araw at magkakaroon lamang ng isolated na mga pag-ulan dahil sa thunderstorms sa hapon o gabi sa malaking bahagi ng bansa.

Ganitong panahon din ang iiral sa Visayas at sa buong Mindanao.

Sa susunod na 3 hanggang 5 araw ay wala namang nakikitang sama ng panahon ang PAGASA na mabubuo sa loob at labas ng bansa.

Read more...