Babae patay nang mabaril ng amang pulis sa Dumaguete City

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2019 - 06:00 AM

Patay ang isang 22 anyos na babae matapos na barilin ng kaniyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Calindangan sa Dumaguete City.

Agad nasawi ang biktimang si April May Ege matapos magtamo ng tama ng bala mula sa service firearm ng ama.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Police Lt. Col. Gregorio Galsim, nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng mag-ama na nauwi na sa pamamaril.

Inaalam pa kung ano ang pinag-awayan ng mag-ama.

Agad naman nadakip ang pulis na suspek ng kaniyang mga kasamahang pulis sa Dumaguete Police Station.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng bala ng 9MM na baril.

Mahaharap ang suspek sa kasong parricide.

TAGS: Babae patay nang mabaril ng amang pulis, Dumaguete City, Babae patay nang mabaril ng amang pulis, Dumaguete City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.