Ayon sa US Geological Survey, may lalim na 24 kilometers ang pagyanig at naitala ang sentro nito sa Karagatan ng Molucca sa pagitan ng North Sulawesi at North Maluku.
Inalerto ng Geophysics Agency ng Indonesia ang mga mamamayan nilang nakatira sa mga coastal areas.
Ayon sa USGS, posibleng nasira ang ilang istraktura na hindi maganda ang pagkakagawa dahil sa lakas ng pagyanig.
Kalaunan ay binawi rin ang tsunami warning dahil wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at casualties.
Matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay tumama rin sa Indonesia ang malakas na magnitude 7.5 na pagyanig na nagdulot ng mga tsunami sa Palu, Sulawesi na kumitil sa buhay ng mahigit 2,200 na katao habang libo-libo pa ang idineklarang nawawala.