Taong simbahan, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang taong simbahan ng Philippine Independent Church sa Majuyod, Negros Oriental araw ng Linggo.

Mula sa simbahan, sumakay ng motorsiklo ang biktimang si Salvador Romano pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin pasado 12:00 ng tanghali.

Nagtamo ng maraming tama ng bala si Romano sa katawan.

Si Romano ay adviser ng Iglesia Independiente Filipinas Youth group sa Negros Oriental at Siquijor.

Dati din siyang miyembro ng human rights group na Karapatan na tinutuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pambabatikos ng grupo sa war on drugs ng administrasyon.

Ayon sa Karapatan, si Romano na ang ika-69 na biktima ng umano’y extrajudicial killings sa Negros sa ilalim ng Duterte administration.

Read more...