Halos 400 tagasuporta ng NPA, sumuko sa Surigao del Norte

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 11:14 PM

Sumuko sa mga otoridad ang nasa 396 New People’s Army (NPA) supporters mula sa iba’t ibang bayan sa Surigao del Norte.

Batay sa inilabas na ulat ng militar, araw ng Linggo, kabilang sa mga sumuko ang 37 miyembro ng Sangay sa Partido Lokal (SPL), 46 miyembro ng Militia ng Bayan (MB), 146 miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) at 167 iba pang tagasuporta.

Naganap ang pagsuko sa bayan ng Malimono at headquarters ng 30th Infantry Battalion sa Sta. Cruz, Placer noong araw ng Huwebes (July 4).

Ayon kay Lt. Col. Allen Raymund Tomas, commander ng 30th Infantry Battalion, resulta ito ng pinagsanib-pwersang aksyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Community Support Program at pinaigting na kampanya ng mga local government unit (LGU) para ihinto ang pagsuporta sa rebeldeng grupo.

Dumaan ang mga NPA supporter sa deradicalization seminar bago nanumpa sa harap ng Municipal Hall ng Malimono kasama si Mayor Wallace Senaca.

Isinuko rin ng mga NPA supporter ang 11 iba’t ibang uri ng armas sa seremonya.

TAGS: 30th Infantry Battalion, NPA, surigao del norte, 30th Infantry Battalion, NPA, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.