Lacson, umaasang hindi maaapektuhan ng pulitika si Moreno sa Maynila

By Angellic Jordan July 08, 2019 - 12:44 AM

Photo grab from Sen. Ping Lacson’s Twitter account

Umaasa si Senador Panfilo “Ping” Lacson na mapapanatili ni Manila Mayor Isko Moreno ang magandang nasimulan sa lungsod.

Sa kaniyang tweet, sinabi ng senador na maipagpapatuloy ang pangarap para sa bansa habang nakaupo ang mga lider na katulad ng bagong alkalde.

Sinabi pa ni Lacson na dapat ipagdasal ng publiko si Moreno para gabayan na hindi makain ng sistema ng pulitika tulad ng nakagisnan bago siya maupo sa pwesto.

Matatandaang isiniwalat ni Moreno na mayroong nag-alok sa kaniya ng P5 milyong suhol kada araw para ihinto ang kampaniya laban sa mga illegal vendor.

TAGS: manila, Mayor Isko Moreno, panfilo lacson, manila, Mayor Isko Moreno, panfilo lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.