Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Lanao del Sur, Linggo ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 9 kilometers Northwest ng Bumbaran bandang 8:27 ng gabi.
May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.