Stevie Wonder, sasailalim sa kidney transplant sa Setyembre

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 10:29 PM

Sasailalim ang 25-time Grammy award-winning artist na si Stevie Wonder sa kidney transplant sa buwan ng Setyembre.

Inanunsyo ito ng 69-anyos na singer sa pagtatapos ng kaniyang awiting “Superstition” sa British Summer Time concert sa Hyde Park, London.

Ayon sa music legend, nais na niyang linawin ito sa publiko para tuldukan ang mga kumakalat na balita hinggil sa kanya.

Tiniyak naman ni Stevie sa kaniyang mga tagahanga na mayroon na siyang donor at sinabi pa nitong magiging maayos ang kaniyang kalagayan.

Hindi na nagbigay ang singer ng karagdang impormasyon ukol sa kaniyang kondisyon.

Samantala, tatapusin pa ni Stevie ang nalalabing tatlong show bago tuluyang magpahinga para sa kidney transplant.

TAGS: British Summer Time concert, Hyde Park, kidney transplant, london, Setyembre, Stevie Wonder, British Summer Time concert, Hyde Park, kidney transplant, london, Setyembre, Stevie Wonder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.