Inaasahang makikiisa ang nasa 30,000 transport network vehicle service (TNVS) drivers sa malawakang tigil-pasada o tinawag na ‘transport holiday’ sa araw ng Lunes (July 8).
Sa isang panayam, sinabi ni Metro Manila Hatchback Community Jun de Leon na magsasagawa ng protesta sa bahagi ng Quezon Memorial Circle at Diokno Avenue bandang 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Aniya, layon nitong iparating sa Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang pagtutol sa pagbabawal sa sasakyang hatchback at pahirapan umanong pagkuha ng permit para makapag-operate.
Dahil dito, posibleng maraming commuter ang mahirapan na makapag-book sa mga ride-sharing app at maapektuhan ng mataas na surge sa pasahe.
Tiniyak naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbabantay sa protesta para makaresponde sakaling magkaroon ng problema sa lugar.
Matatandaang sinabi ng LTFRB na makikipag-pulong sila sa mga TNVS operator at iba pa para talakayin ang mga isyu.