Sunog sumiklab sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 06:27 PM

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Manila, nagsimula ang apoy sa Telecom Compound sa Barangay 310 bandang 3:44 ng hapon.

Mabilis itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog bandang 4:13 ng hapon.

Sinabi ng BFP – Manila na lahat ng trak ng bumbero sa Maynila maging ang ilan mula sa Caloocan at Quezon City ay rumesponde sa pag-apula ng apoy.

Idineklara namang kontrolado ang sunog dakong 4:58 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Inaalam pa rin ang halaga ng pinsala sa lugar.

TAGS: Barangay 310, manila, Santa Cruz, sunog, Telecom Compound, Barangay 310, manila, Santa Cruz, sunog, Telecom Compound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.