Pilipinas, magdedemanda vs Chinese crew kapag hindi nagbayad ng danyos – Panelo

By Chona Yu July 07, 2019 - 06:42 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na idedemanda ng Pilipinas ang Chinese crew na bumangga sa bangka ng 22 mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ito ay kung hindi magbabayad ng danyos ang Chinese crew sa mga Filipinong mangingisda.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na aalamin ng Pilipinas kung desidido ang Chinese crew na magbayad sa pinsalang ibinigay sa mga mangigisda.

Hindi kasi aniya biro ang naranasang takot ng mga mangisngisda nang i-abandona sa gitna ng karagatan.

Ayon kay Panelo, maaring makasauhan ng criminal at reckless imprudence resulting to damage to property ang Chinese crew.

TAGS: Chinese crew, Recto Bank, Salvador Panelo, West Philippine Sea, Chinese crew, Recto Bank, Salvador Panelo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.