Jasmine Curtis-Smith, Ruru Madrid magtatambal sa isang proyekto

Photo grab from Jasmine Curtis-Smith’s Instagram account

Nakatakdang magtambal sina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid sa bagong proyekto.

Sa Instagram, inanunsiyo ng dalawa sa kanilang mga tagahanga ang pagtatambal sa pamamagitan ng pag-post ng larawan.

Parehong “#CaraXJagger” lamang ang nakapaloob na caption sa magkahiwalay na post nina Jasmine at Ruru na posibleng pangalan ng mga karakter na gagampanan ng dalawang aktor.

Hindi pa naman malinaw kung ang proyekto ay pelikula o teleserye.

Huling nakatambal ni Ruru ay si Kylie Padilla sa romantic-comedy television series na “TODA One I Love.”

Read more...