Tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Southern California, araw ng Biyernes, sa Amerika na naging dahilan sa pagkasira ng madaming mga tahanan at mga imprastraktura.
Ani Newsom, dapat palakasin ng gobyerno ang mga alert system at building codes.
Maliban dito, dapat ding alamin ng mga residente kung paano poproteksyunan ang kanilang sarili sa oras ng sakuna.
Ang naitalang lindol noong araw ng Linggo ang pinakamalakas na naranasan ng State of California sa humigit 20 taon.
Wala naman naitalang mga nasawi o lubhang nasugutan matapos ang 7.1 magnitude na lindol.
Lubos naman ang pasasalamant ni Governor Newsom na hindi naging malaki ang pinsala ng nasabing lindol sa buong Southern California.