8 bilanggo, nakatakas sa kulungan sa Basilan

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 06:15 PM

Nakatakas ang walong bilanggo sa Lamitan City jail sa Basilan, Linggo ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City police, tulog ang nagbabantay na jail guard nang makatakas ang mga preso bandang 8:00 ng umaga.

Kinuha rin ng mga bilanggo ang dalawang M16 rifle sa nasabing kulungan.

Ang mga preso ay may kinakaharap na kasong may kinalaman sa ilegal na droga at murder.

Sa ngayon, nagkasa na ng operasyon ang pulisya katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para mahuli ang mga suspek.

TAGS: Lamitan City jail, preso, Lamitan City jail, preso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.