7 bloke ng hinihinalang cocaine, natagpuan sa Quezon

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 06:14 PM

Natagpuan ang pitong bloke ng hinihinalang cocaine sa karagatang sakop ng Mauban, Quezon araw ng Linggo.

Ayon kay Col. Ramil Montilla, direktor ng Quezon police, nagsasalu-salo ang isang pamilya sa tabing-dagat nang makita ang kontrabando sa lugar.

Ayon naman kay Quezon police public information chief Maj. Elizabeth Capistrano, namataan ang mga kontrabando sa bahagi ng Barangay Cagsiay 1 pasado 12:00 ng tanghali.

Tinatayang nagkakahalaga ang umano’y ilegal na droga ng P35 milyon.

Dinala na ang kontrabando sa crime laboratory sa Camp Nakar para suriin.

Ito na ang pinakahuling bloke ng cocaine na nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng bansa.

TAGS: cocaine, Mauban, Quezon, cocaine, Mauban, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.