Chinese national na may kasong fraud, naaresto ng BI
Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na sangkot sa kasong fraud.
Ayon kay BI Intelligence Officer Bobby Raquepo, nakilala ang wanted na Chinese national na si Hu Mingtian, 40-anyos.
Aniya, nakipag-ugnayan ang Interpol at Chinese Embassy sa Pilipinas para mahuli si Hu na noon pang nakaraang buwan nakalagay sa wanted list ng Immigration.
Tinatayang aabot sa 7,455 ang naging biktima ni Hu sa Pyramiding scheme at nakakulimbat ng 435 million yuan o katumbas ng P3.2 bilyon.
Nagsimula ang Pyramiding scheme ng suspek noong Marso ng 2016 at tumagal hanggang Setyembre ng 2018 sa Fujian Province ng China.
Sa ngayon, inaayos na ang deportation para kay Hu at hindi na ito papayagang makapasok pa muli sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.