Board member sa Dinagat Island, patay sa ambush

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 03:55 PM

Patay sa pamamaril ang isang board member ng Sangguniang Panlalawigan sa probinsya ng Dinagat Island, Linggo ng umaga.

Sakay ng motorsiklo, binabagtas ng biktimang si Wenefredo Olofernes, 52-anyos, ang Kilometer 2 sa Barangay Luna sa Surigao City nang biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem bandang 9:18 ng umaga.

Pauwi na sana si Olofernes sa kaniyang bahay nang barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo.

Ayon sa ulat ng Caraga police, naisugod pa ang biktima sa Caraga Regional Hospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Kinondena naman ni Dinagat Governor Arlene “Kaka” Bag-ao ang pagpaslang kay Olofernes.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

TAGS: Board Member, Dinagat Island, Sangguniang Panlalawigan, Wenefredo Olofernes, Board Member, Dinagat Island, Sangguniang Panlalawigan, Wenefredo Olofernes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.